Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong FRIDAY, FEBRUARY 16, 2024
• Withdrawal forms para sa gustong magbawi ng pirma sa people's initiative, inilabas ng Comelec
• Hindi natuloy na case conference para sa mga nawawalang sabungero, inirereklamo ng mga kaanak
• PAGASA: Mararamdaman ang full impact ng El Niño simula Marso hanggang Mayo | Ilang baka sa Mangaldan, Pangasinan, nagkakasakit na dahil sa matinding init | DOE: Supply ng kuryente, sapat kahit tumaas ang demand
• Second floor ng St. Peter the Apostle Parish, idineklarang condemned at pinapapalitan na | Kondisyon ng bubong ng St. Peter the Apostle Parish, ipinasusuri din
• Maco MDRRMO: Bilang ng namatay sa landslide, umakyat na sa 92 | Ilang bangkay na 'di pa nakikilala, kinunan ng DNA sample bago inilibing
• Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, nag-renew ng kanilang wedding vows
• Presyo ng bell pepper mula Nueva Vizcaya, mas mura kaysa bell pepper mula Baguio | Bell Pepper sa san Ildefonso, paluging ibinebenta
• Mahigit 100 pamilyang nasunugan, halos walang naisalbang gamit |Ilang evacuees, sa kalsada natulog dahil mainit sa evacuation center | DSWD: 79 na bahay ang nasunog | malilinis na damit, hygiene kits, pagkain, at tubig, kailangan ng mga nasunugan
• 8 pekeng e-travel websites, iniimbestigahan ng CICC | Bureau of Immigration: naniningil ng P3,500-P5,000 ang pekeng e-travel websites | Lehitimo at libreng website: etravel.gov.ph | Payo ng CICC: laging tingnan kung may "gov.ph" ang domain name ng website
• Ayuda sa mga beneficiary ng 4ps, pinag-aaralan na gawing bigas imbes na pera | Pamamahagi ng ayuda sa mga "near-poor," pinag-aaralan na rin ng DSWD
• "Firefly," magkakaroon ng US at Asia Tour; ipapalabas din sa isang streaming platform | Cast at production team ng "Firefly," thankful sa mga nanood at sa nakuhang awards ng pelikula
• Heartbreak leave, isinusulong sa Kamara; mga pinoy, payag ba?
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.